You are visitor

18 Hunyo 2009

Hubad



Hubaran mo ako.



Isa-isang tanggalin ang saplot
Ng aking pagkatao.
Haplusin ang bawat katangian,
Hagkan ang bawat pagkakamali.


Hubaran mo ako.


Walang itira kundi
Ang aking kaluluwa, damdamin at isipan
Himurin ng halik ang bawat masamang alaala
Walang itira... kundi kasalukuyan.


Hubaran mo ako.


Ikaw ma'y huhubaran ko.
Walang ikakahiya sa ating dalawa.
Walang ititira na lihim sa katawan
Walang halik at haplos na ipagkakait.


Hubad tayo.


Iisa sa paningin.
Iisa ang damdamin.
Nangigilin ang mga halik...
Nagdarasal ang bawat haplos.


Hubad tayo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tell me what you think

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...