You are visitor

19 Hunyo 2009

Tren

* This story appears in OUTRAGE MAGAZINE's June 2009 issue

May narinig ako'ng kuwento mula sa isang kaibigan tungkol sa mga tao'ng madaling makakuha ng panandaliang aliw--- kahit sa pampubliko'ng sasakyan. Mayroon din ako'ng kaopisina na nagkuwento kung paano niya nakilala ang kanyang maybahay---sa jeep. Posible kaya na ang katapat lang natin, ay ang tao'ng makakasama habang buhay? O sadyang malilibog lang ang m,ga tao ngayon?

Mainit sa labas at indi rin maginhawa sa loob ng tren. Sari-saring tao ang kasama mo, mula sa iba't ibang lugar. Naghalo na ang amoy ng pawis at pabango ng mga pasahero. Hindi mo na alam kung ano ang nakadantay sa likod mo.





Araw-araw ay ganito ang eksena, at gustuhin mo ma'ng isumpa ang tren, ay hindi mo maikakaila na kailangan mo siya. Habang nakatayo sa terminal ay hindi mo maiiwasang makipagsiksikan at makipag agawan ng puwesto na parang hayop nanakakita ng karne.


"Inilalabas ng Tren ang hayop sa bawat Pilipino", naiisip mo.Kagaya ng kinaroroonan ko ngayon, nakasiksik sa huli'ng bahagi ng tren, kumakapit sa poste, nakayakap sa bag. Dumadaan lamang ang mundo sa aking paningin. Bumubukas ang pintuan at nagpapapasok ng dagdag na kasikipan ng kasalukuyang puwesto.
"Ayala Station," Sabi ng boses sa PA, " Ayala Station. Iwasan po natin ang tulakan. Paunahin po muna natin ang mga babae, matatanda, at ang mga bata."
Bumukas ang pinto, at nagsipasukan ang mga tao. Napuno bigla ang mundo ko. Napapikit ng saglit sa pagtulak ng tao sa likuran, at ng tao sa harapan. Humagilap ng makakapitan, at imimulat ang aking mata.


Isang matipunpong lalaki ang nakadantay sa harap ko. Nakakapit siya sa barandilya sa itaas, at napansin ko agad ang malaki at mabalahibo'ng braso. Maputi at makinis, maliban sa malagong tubo ng buhok, na wari ko nama'y malambot hawakan. patuloy ang tubo ng balahibo mula punong braso, bisig... at wari ko'y balikat...Tumulay ang paningin ko sa kanyang mukha, nakaharap man sa akin ay nakapikit, waring naghihintay ng halik. Makakapal ang kilay niya, malago din ang mga pilikmata, matangos ang ilong at malalambot na labi. Patubo pa lamang nag bigote at wari ko'y balbas sa kanyang mukha, na kumakalat hanggang leeg.Mabango ang manyang hininga.


Umandar ang Tren, at napadikit siya sa akin. iniwas niya ang kanyang tingin, at ako naman, napapikit. Lumuwag ang pagkakakapit ko sa bag ko nang maramdaman ang init ng kanyang punong katawan sa akin. Hindi ko man nakikita'y dama ko ang magandang hubog ng kanyang katawan... Ang malapad at matigas na dibdib... ang kawalan ng tiyan... at ang bukol na itinatago sa pagitan ng kanyang hita...



"Uhm..." marahan niyang ungol.


Para kaming nakuryente. Humupa na ang takbo ng tren. Nakakatayo na ng mahusay ang m,ga sakay. Saglit kong inasam ang susunod na paghinto ng tren. Nabuhay ang aking diwang pinatulog ng siksikan sa loob ng tren.Tahimik ako'ng nagdasal na sana'y hindi na huminto ang tren, na hindi na siya bumaba. Buong tatag kong pinigilan na yakapin ang kanyang mainit na katawan.


May naramdaman akong gumalaw sa may harapan ko... matigas, nakakakiliti. Ilang ulit na gumalaw iyon at nagdulot ng masayang sensasyon sa aming dalawa bago ko napagtanto na may tawag sa cellphone niya.
"Shit..." Marahan niyang sinabi, ang boses niya ay parang kulog sa aking pandinig... mababa, lalaki'ng lalaki... dama ko ang puwersa ng kanyang hininga sa aking leeg, at naamoy ko na naman ang malarosas niyang hininga.


Hindi agarang natugunan ang tawag sa telepono. Maliksi niyang binitawan ang barandilya at pinadausdos ang kamay niya sa pagitan namin. Napatingin siya sa akin, humingi ng pasensya, at patuloy na inapuhap ang telepono mula sa kanyang bulsa. Hindi niya maabot ito, palibhasa'y dikit na dikit ang mga katawan namin, na magkaharap, at hawak din niya ang bag sa kabilang kamay. Kinailangan niyang ihilig ang kanyang katawan sa akin, kumiskis sa gilid ng mukha ko ang kanyang pisngi, at naramdaman ko ang patubo'ng balbas... Pilit kong tinandaan ang pakiramdam para hindi ko makalimutan.


Gusto ko'ng halikan ang kanyang batok, dilaan ang kanyang tainga... Ang sarap niyang yakapin, isip ko. ang init ng katawan niya.Saglit lamang iyon.kasunod niyon ay kausap na niya ang isang tao na wari ko'y boss niya.


"Yes, sir," nariinig ko na naman ang nakakatunaw na tinig na iyon, "Nasa MRT na po ako, pero hindi pa po pauwi. Bababa po ako ng Cubao," Saglit siyang napatingiun sa akin, parang iupinaririnig sa akin ang destinasyon niya.Hindi ko na nalaman pa ang kabuuuan ng pinag usapan nila. Ang naglaro lamang sa isip ko ay kung gaano kaya kasarap marinig ang tinig na iyon na binabanggit ag pangalan ko habang yakap niya ako. Pilit kong binago ang bawat akyat at baba ng kanyang tinig, pilit nilalaro sa guni guni ko, kung paano kaya ang tinig niya habang nagpapaligaya sa sarili... habang pinaliligaya ko?

Natapos ang usapan nila.Ibinalik niya ang telepono sa kanyang bulsa. Muli, at ito'y aking kinagiliwan, nagdantay ang aming mga pisngi. Naamoy ko na naman ang kanyang pabango na ngayo'y humalo na sa pawis, na sa aking pagtataka ay lalo'ng bumango... Lumakas ang pinting ng dibdib ko at lumalim ang aking hininga. Pagbalik namin sa posisyon, naroroon na naman kami, magkaharap. Mukha sa mukha, dibdib sa dibdib... at magkadikit ang mga harapan. Pansin ko'ng pinagpapawisan na rin siya, ngunit nahihiyang punasan ito.


"Cubao-Araneta Station. Cubao-Araneta station"
Mainit ang dantay ng dibdib niya sa dibdib ko. Dama ko ang paghinga niya, at sa unang pagkakataon, ang pagpinting ng isang bagay sa loob ng kanyang dibdib. Dama ko ang init ng hininga niya sa aking leeg. Nagtama ang aming paningin at pansamantalang huminto anag tren. Gaya ng inaasahan, sumikip ang paligid at muling nagdikit ng aming mga katawan. Kulang sa pulgada lamang ang layo ng aming mga labi. Kay init ng kanyang hininga. Bahagyang bumuka ang kanyang mga labi at binasa nito ng kanyang dila. Wala akong maisip kundi kung gaano ko kagustong sakmalin siya ng halik sa mga sandaling iyon.
Bumukas ang pinto at pinalaya ang dagat ng tao sa mundo. Kasama siyang nilamon nito.Sumara ang pinto, ngunit dama ko pa rin ang init ng matipuno niyang katawan.

Naiwan akong humihingal... malungot at nawala nang tuluyan ang lalaki. Ni hindi ko nalaman ang pangalan---Nabigla ako sa papel na hawak ko. Tarheta ng isang nagbebenta ng mga condominium.

1 komento:

Tell me what you think

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...