You are visitor

19 Hunyo 2009

Ang Kapitbahay



Wala na ang "For Rent" sign sa gate ng kapitbahay ko.

May pinaparenta silang kuwarto, katapat ng kuwarto ko. Ang bintana sa kuwarto na iyon ay katapat na katapat ng bintana ko. mga isang metro ang layo. Dati, pag nakadungaw ako sa bintanang iyon, tanaw ko ang buong kuwarto, na wala namang laman. Hindi na ako naglagay ng kurtina dahil presko ang hangin na dumadaan na may puwersa sa pagitan ng dalawang bahay. Nasanay din ako na kahit nagbibihis ay bukas iyon. Sarado lamang ang bintana kung wala ako sa bahay o natutulog ako.

Nang hapo'ng iyon, gaya ng nakaugalian ko, ako'y naligo at habang naka-boxers lamang ay nagpapatuyo ng aking buhok sa tapat ng bntana. Ngayon ay nadagdagan ng ilang kahon sa loob ng kuwarto'ng katapat ng bintana ko, nadagdagan ang napagtutuunan ko ng atensiyo at libangan.Katabi ng kama ko ang bintana. mga isang piye ang layo nito dito, sapat lamang na maupo ako'ng nakaharap sa bintana, ngunit walang makita kundi isang kuwarto'ng walang laman. Ngayong hapon, may laman na ito. Naglipat na ng gamit ang bagiong nagrerenta ng kuwarto'ng iyon.Maluwag ang silid na kahoy ang sahig. malinis ang sahig nito. May mga kahon na nabuksan na at mukhang halos tapos na mag-ayos ang bagong lipat sa kuwarto. Walang kama. May isang makapal na kutson na nakasandal sa pader. May built-in na closet ang kwarto, at nakabukas ito. Kita ko na nakasabit na ang mga damit ng bago'ng lipat. Mga polo at pantalon na itim. May mesa'ng de-tiklop, may desktop na computer. Walang TV, may isang mesa pa sa tabi ng de-tiklop. Drafting table. Sa tabi ng aparador ay may full-length mirror.

Habang pinagmamasdan ko and laman ng kuwarto, at iniisip kung ano kaya ang trabaho ng bago'ng salta, ay bumukas ang pinto.


Isang lalaki'ng matipuno ang katawan ang pumasok sa loob ng kuwarto. Bagong ligo ito, at naka tapis lamang ng tuwalya. isinara niya ang pinto at dumerecho sa aparador. Maganda ang hubog ng katawan nito, malalapad ang balikat, maskulado, malalaki ang mga braso'ng may malago'ng tubo ng balahibo sa mga puno nito. Balbon siya, at may buhok sa dibdib. Napalunok ako habang nakikita ko siyang nakatalikod sa akin, at waring naghahanap ng maisusuot. Dumukwang ito sa drawer sa ibaba, at kumuha ng panloob.

Hinigit ko ang aking hininga. Magpapalit siya ng brief! Maligaya ko'ng naibulong sa aking sarili. Inaasahan kong habang nakatalikod niya isusuot ang brief na kanyang kinuha, at sandali ko lamang makikita ang kanyang likuran, ngunit nagulat ako sa ikinilos niya.Isinampay niya sa balikat ang panloob, at tumayo sa harap ng salamin. Nagtago ako, at maaaring makita ako ng lalaki. Bahagya lamang ang binigay kong sikap sa pagtatago, dahil ang buong atensyon niya ay sa hubog ng kanyang katawan, na hindi ko rin naman masisisi, na hinahangaan ko rin naman.

Tren

* This story appears in OUTRAGE MAGAZINE's June 2009 issue

May narinig ako'ng kuwento mula sa isang kaibigan tungkol sa mga tao'ng madaling makakuha ng panandaliang aliw--- kahit sa pampubliko'ng sasakyan. Mayroon din ako'ng kaopisina na nagkuwento kung paano niya nakilala ang kanyang maybahay---sa jeep. Posible kaya na ang katapat lang natin, ay ang tao'ng makakasama habang buhay? O sadyang malilibog lang ang m,ga tao ngayon?

Mainit sa labas at indi rin maginhawa sa loob ng tren. Sari-saring tao ang kasama mo, mula sa iba't ibang lugar. Naghalo na ang amoy ng pawis at pabango ng mga pasahero. Hindi mo na alam kung ano ang nakadantay sa likod mo.





Araw-araw ay ganito ang eksena, at gustuhin mo ma'ng isumpa ang tren, ay hindi mo maikakaila na kailangan mo siya. Habang nakatayo sa terminal ay hindi mo maiiwasang makipagsiksikan at makipag agawan ng puwesto na parang hayop nanakakita ng karne.


"Inilalabas ng Tren ang hayop sa bawat Pilipino", naiisip mo.Kagaya ng kinaroroonan ko ngayon, nakasiksik sa huli'ng bahagi ng tren, kumakapit sa poste, nakayakap sa bag. Dumadaan lamang ang mundo sa aking paningin. Bumubukas ang pintuan at nagpapapasok ng dagdag na kasikipan ng kasalukuyang puwesto.
"Ayala Station," Sabi ng boses sa PA, " Ayala Station. Iwasan po natin ang tulakan. Paunahin po muna natin ang mga babae, matatanda, at ang mga bata."
Bumukas ang pinto, at nagsipasukan ang mga tao. Napuno bigla ang mundo ko. Napapikit ng saglit sa pagtulak ng tao sa likuran, at ng tao sa harapan. Humagilap ng makakapitan, at imimulat ang aking mata.


Isang matipunpong lalaki ang nakadantay sa harap ko. Nakakapit siya sa barandilya sa itaas, at napansin ko agad ang malaki at mabalahibo'ng braso. Maputi at makinis, maliban sa malagong tubo ng buhok, na wari ko nama'y malambot hawakan. patuloy ang tubo ng balahibo mula punong braso, bisig... at wari ko'y balikat...Tumulay ang paningin ko sa kanyang mukha, nakaharap man sa akin ay nakapikit, waring naghihintay ng halik. Makakapal ang kilay niya, malago din ang mga pilikmata, matangos ang ilong at malalambot na labi. Patubo pa lamang nag bigote at wari ko'y balbas sa kanyang mukha, na kumakalat hanggang leeg.Mabango ang manyang hininga.

18 Hunyo 2009

Hubad



Hubaran mo ako.



Isa-isang tanggalin ang saplot
Ng aking pagkatao.
Haplusin ang bawat katangian,
Hagkan ang bawat pagkakamali.


Hubaran mo ako.


Walang itira kundi
Ang aking kaluluwa, damdamin at isipan
Himurin ng halik ang bawat masamang alaala
Walang itira... kundi kasalukuyan.


Hubaran mo ako.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...