You are visitor

23 Nobyembre 2009

Last Trip

Linggo na ng gabi, at nasa kalsada pa din ako.

Wala nang halos tao sa kahabaan ng Ayala Avenue. Pwede ka nang umupo sa gitna ng kalsada at mag jack stones. hindi na rin fresh ang itsura ko. Pawisan na ako dahilan ng kainitan ng panahon. Putsa, Alas onse na ng gabi ay mainit pa rin.

Galing ako sa lamayan ng production number namin para sa party ng kumpanya, anniversary nito at naatassan kaming mag perform  sa programa. Company Choir kaya't naghanda kami ng aawitin.

Kaya't heto, linggo man ay nag eensayo pa din.

Kalahati'ng oras na ay wala pa rin ako'ng masakyang bus. Sarado na ang MRT at ayokong sa Cubao pa bumaba para lamang sumakay ng bus patungo sa amin.

Inuugat na ang aking mga binti at namumungay na ang aking mga mata.

At dumating na ang kulay- kahil na bus. Inakyat ko ang hagdan nito at tumambad sa paningin ko ang isang lalaki, na may hawak na bungkos ng pera at polo'ng asul. Hndi ko agad na nakilalang konduktor dahil sa itsura nito.



Ano nga ba ang itsura ng isang karaniwang konduktor? Maitim, medyo pawisan, mukhang papalit sa driver. Karaniwa'y madumi ang mga kuko kakahawak ng pera ng ibang tao.

Pero iba si manong. Mukhang kakabiyahe pa lamang nila. Nakaayos ang buhok nito. Kayumanggi ang balat ngunit mukhang malinis. Hindi mukhang sunog sa araw. KAyumanggi lang. Mukha siyang nagahit kahapon, pero nalimutan ngayon, dahil patubo na ang balbas at bigote niya, na nagbigay ng dagdag na appeal sa kanyang kulay.

17 Nobyembre 2009

Delivery Boy

Kinakausap na ako ng tiyan ko.

Sabi niya, "Putangina ka, hindi ba tayo lalabas? Kanina pa ako nagugutom!"

Hindi ko na sana siya papansinin. busy ako sa pagngakngak; Buong magdamag nang mugto ang aking mga mata at hindi lumalabas ng silid. Hawk ko pa rin ang litrato ni Derek. Lukot lukot na iyon, ar basa ng luha, pero hindi pa din ako sawa'ng hampasin t kausapin iyon.

"Putsa naman, gutom na ako!!" Sigaw ng tiyan ko, sabay pamimilipit ng tiyan ko at pag ungol ng aking sikmura.

Natigilan ako.

Kinuha ko ang aking cellphone... or wht's left of it, at nag dial ng fast food. Matapos umorder, binalikan ko ang aking sulok at nag mukmok. Tinanaw ko ang mga building sa labas ng aking condo unit at marahang tumangis sa tanawin ng isa pang condominium ilang daang metro ang layo sa aking lokasyon. Ilang araw lamang ang nakakalipas ay naroroon ko, katabi ko siya sa pagtulog. Kaninang umaga ay ia ang kasama niya sa kama. Kasabay noon ay ang pag-amin na ang nangyari sa amin ay eksperimento lamang niya. Wala siyang nararamdamang pag ibig sa akin.

Siguro nga ay tama siya. Maglaro ng maglaro, huwag ipapahuli ang puso. Kapag naabutan ka nito, talo ka. Sumasang-ayon ang isipan ko ngunit yaw pumayag ng aking puso. Sa tabi na ng bintana ako naidlip, basa pa rin ng luha ang aking mga pisngi.

Pagkatapos ng kalahating oras ay tumunog ang doorbell.

Matmlay kong nilakad ang pintuan nang hindi nag-aayos. Tumambad sa akin ang kanyang nakangiti'ng mukha. Masigla, nakahandang ibigay ang pinakamagandang ngiti para sa kung sino man ang magbubukas ng pinto para sa kanya. Hawak niya ang inorder ko'ng Pizza at softdrinks.



"Good evening po. Eto po ang inorder ninyo," habang binabanggit niya ang mga inorder ko at ipinapakia sa akin, natigilan ako sandali. Namalayan ko ang ayos ko: Wala akong pag itaas at naka boxer briefs lang. Gusot gusot ang aking buhok at nagmumuta ang mga mata natuyong mga luha.

15 Nobyembre 2009

Manong Guard

"Overnight na naman po, sir?"

Yung ang palaging biro sa akin ni Manong Guard kapag may nilalamay ako sa opisina. Ako kasi ang tipo ng tao na hindi pwedeng kalahati'ng tapos lang. Kahit walang bayad na OT, mas mahalaga sa akin na matapos ko ang ginagawa ko. Karaniwan pa'ng binabalikan ko sa opisina ang trabaho ko sa gabi, dahil malapit lang naman dito ang inuupahan ko'ng condo.



Patay na karamihan ng ilaw sa opisina maliban na lamang sa cubicle ko. Ang liwanag na lamang ng monitor ang gabay ni manong na nandoon pa ako. Malapit sa puwesto ko ang banyo... at ang pantry, kung saan nandoon ang water dispenser.

Nagpasiya ako'ng kailangan ko ng kape dahil sa bahagyang puyat na mararanasan ko. Biyernes na ng gabi, kaya't maaga'ng nawala ang mga tao sa opisina. Wala rin namang pasok kinabukasan at malaya ako'ng bumawi ng tulog... wag lamang ako'ng maghabol sa Lunes.

Sa pantry ay nakita ko'ng nakaduwang si manong na kumukuha ng tubig. pinupuno niya ang isang botelya na nakita ko na ring katabi niya sa pagbabantay nang magdamagan sa trabaho.

Natuon ang aking paningin sa bilog na bilog at napakatambok na pwet ni manong. Bakat ang brief sa hapit na tela ng pantalon niya. Pagtayo naman niya ay nakita ko ang hubig n kanyang likod: walang bilbil, malapad ang likod na parang hugis V. Guwapo'ng guwapo sa uniporme si manong. Lalong guwapo nang lumingon siya at napatingin sa akin. Napangiti siya. pantay at mapuputi ang kanyang mga ngipin. Matangos ang kanyang ilong at pino. Maninipis ngunit mapupula ang mga labi. May cleft chin.Prominente ang panga. lalaki'ng lalaki. Maayos ang gupit nito aht malapad ang leeg, alam mong may laman si manong. Maayos din ang derechong kilay na malalago ngunit hindi sali-saliwa ang tubo. Kung plitan mo man ng coat and tie angkanyang unipormeng pag-security guard ay walang pagkakaiba. Baka ako pa ang tumawag sa kanya ng...

12 Nobyembre 2009

Basta Driver, Good Lover

2 am. Maria Orosa.

Hawak ko pa ang huling bote ng alak mula sa bar. Susuray-suray ako'ng naglakad sa kalsada. Bagamat may mga tao, may kanya-kanya silang kalukadidang, pares-pares na silang lumalabas sa kalsada. Ako nama'y bigo sa aking gabi, nagtagumpay lamang ako sa paglalasing.



Para akong naglalakad sa kutson, gumagalaw ang sementong aking tinatahak. Maging ang pagluha ko kanina nang iwan ako ng syota ko ay hindi nakabawas sa aking kalasingan, at hindi ko n maisusuka pa ang nainom ko. Matagal na siyang nakaabot sa aking utak.

"Taxi!"

Sigaw ko habang humaharang sa isang sasakyang marahan ang takbo sa masikip at mataong kalsada. Napatingin na lamang sa akin ang driver. Huminto. Ni hindi ko pa alam kung may sakay siya sa loob, o magsasakay pa siya.



Binuksan ko na lamang ang pintuan at umupo sa passenger seat ng taxi. Naalimpungatan ako ng bahagya sa malamig na hangin na tumama sa aking mukha.

"Ok ka lang, boss," malumanay ang tinig ng driver, para akong dinuduyan, "Saan po tayo?"

"Bahay." napasarap ang sandal ko sa upuan, "Uwi mo na ako."

11 Nobyembre 2009

Panadero

Sa harap ng bahay namin ay may tindahan. Lumang garahe ito na kinonvert ng tatay ko nung naisipan niyang magtayo ng negosyo. Kainan. May ilang mesa, isang banyo, at kusina ito. Noong una'y malaki ang kita niyo, hanggang sa nagkasakit ang tatay, at binawian ng buhay. Wala sa mga mgakakapatid ang kayang ipagpatuloy ang negosyo dahil lahat ay mga nagsisipagtrabaho at hindi kaya ni Nanay na magnegosyo mag-isa. Kaya't pinarentahan na lamang niya ang puwesto.

Ang umokupa ng nasabing tindahan ay isang Panadero. ang kusina ay ginawa niyang tulugan, habang kalahati ng floor space ng tindahan ay isinara niya para sa pugon, at yun ang ginawa niyang kusina. Na tama naman: ang halimuyak ng mga nilulutong tinapay ay nakakahalina dahil mas malapit ito sa pintuan. Bahagyang init nga lamang ang idinulot nioto sa kuwarto ko, na noo'y kalapit na silid lamang ng tindahan.



Ang panadero namin ay may itsura. maskulado ang mga braso, na pinalaki nagkakabayo ng mga pinagtustahang mga tinapay para gawing "breading" o crust nito. Malalapad ang dibdib at mga palad kakamasa ng harina... Kayumanggi at maganda ang kulay ng balat na bahagyang naluto sa magdamagang pagbabantay at paggamit ng pugon.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...