You are visitor

01 Disyembre 2010

Red Riding Hood

Si Red ay labing-walong taong gulang ngayon.



Pinaghanda siya ng kanyang mga magulang. Masaya ang buong araw ni Red maliban sa iisang bagay: Hindi nakapunta sa salu-salo nila ang pinakapaborito niyang tiyuhin.

Nakatira sa kabilang baranggay ang Tiyo Paeng niya. Matikas na lalaki ito, pangalawang tatay niya kung tutuusin. Parang hita na ni Red ang mga bisig nito na nababalutan ng balahibo, at kung mag-ahit ito ay araw-araw, dahil kung hindi, ay nababalutan na ng patubo'ng mga buhok ang pisngi at paligid ng bibig nito, bagay na gustung gusto ni Red dahil parang mangangahoy ang itsura nito.

26 Nobyembre 2010

The Three Bears

Nakatira si Goldberg sa isang high rise condominium sa Makati. Tuwing alas-5 ng umaga, ugali na niyang mag-jogging bago maligo at pumasok sa trabaho. Nadadaanan niya ang Unit 1004 papuntang elevator. Sarado iyon buong araw pero kapag ganitong mag-uumaga ay naaabutan niya at minsan ay nakakasabay ang mga nakatira doon.

Tatlong malalaking lalaki ang nakatira sa Unit 1004. At kapag sinabi ko'ng malalaki'ng lalaki, ibig kong sabihin ay yung tipong malaman, medyo chubby, balbon, balbas sarado pa nga ang 2. Mga bear-type kung baga.

Si Xavier ay isa sa mga occupants ng Unit1004
Hindi naman mukhang magkakapatid ang mga occupants ng Unit 1004. Hindi rin sila sabay-sabay na dumarating, pero minsan 2 sa kanila ang sabay umuwi, depende sa oras. Hinuhulaan ni Goldberg kung ano ang maaaring trabaho ng 3 bears na ito. Call center agents? Parang anlalaki naman ng katawan nila para maupo magdamag at magkakausap sa telepono. Bouncers sa club? Pwede. Anlalaki ng mga katawan nila e. Mga hosto? Kinilig si Goldberg sa ideyang iyon. Gusto niya sa lalaki ang malalaki ang katawan, Maskulado, pero hindi naman bato-bato na pakiramdam mo kapag tumama ka sa braso nila ay bubukulan ka.

Sapat na ang bukol sa pagitan ng hita.

07 Hulyo 2010

Mag Asawa sa Kabilang Kwarto (Part1)

Kakalipat ko pa lamang sa bahay na iyon; Isang buwan nang sapat ang nakalipas mula nang sagutin ko ang ad sa Buy & Sell para sa isang "Room for Rent." Mura lang naman at nasa budget ko ang kuwarto. Hindi ito kalakihan; sapat lamang para sa isang kama, isang mesa at lalagyan ng damit. May dinala akong maliit na TV at DVD Player at isang maliit na netbook. Katabi ng aking silid ay isang banyo'ng pinagsasaluhan namin ng isa pang silid na katabi nito.



Dalawang tao ang nangungupahan sa mas malaki'ng silid na iyon. Hindi mag-asawa, ngunit nagsasama na sila. Ang lalaki ay nagtatrabaho sa isang malapit na opisina'ng pang-gobyerno samantalang ang babae ay nagtuturo sa isang kolehiyo sa Maynila.

13 Pebrero 2010

Payong

Palaging magdala ng payong. Sa panahon ngayon, hindi mo alam kung kailan darating ang ulan.


Makulimlim na ang langit. Dumidilim na ang paligid at nagmamadali na ang mga tao. Nag uunahan na sila sa mga sasakyang nagdaraan, nagmamadali'ng baka maabutan ng...

Ulan. Malalaking patak muna, iilan na tumatama sa aking bumbunan, mukha, sa aking nakalahad na ma palad. Dagli ko'ng binuksan ang aking backpack at inilabas ang aking payong.



Sakto'ng buhos ng malakas na ulan sa pagbuka nito. Kaya ako hindi nagmamadali, alam ko'ng magagamit ko ang aking payong. Panatag ang loob na nilakad ko ulit ang kahabaan ng Ayala, Nnag biglang may kumapit sa aking braso.

"Pasilong, pare."
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...