Palaging magdala ng payong. Sa panahon ngayon, hindi mo alam kung kailan darating ang ulan.
Makulimlim na ang langit. Dumidilim na ang paligid at nagmamadali na ang mga tao. Nag uunahan na sila sa mga sasakyang nagdaraan, nagmamadali'ng baka maabutan ng...
Ulan. Malalaking patak muna, iilan na tumatama sa aking bumbunan, mukha, sa aking nakalahad na ma palad. Dagli ko'ng binuksan ang aking backpack at inilabas ang aking payong.
Sakto'ng buhos ng malakas na ulan sa pagbuka nito. Kaya ako hindi nagmamadali, alam ko'ng magagamit ko ang aking payong. Panatag ang loob na nilakad ko ulit ang kahabaan ng Ayala, Nnag biglang may kumapit sa aking braso.
"Pasilong, pare."