You are visitor

21 Agosto 2011

Tanggero

"Tagay mo na," hudyat ni DJ na may kasabay na kindat. Namumungay na rin ang mga mata niya. Iniabot nito ang baso na may shit ng gin-pomelo. Nakaunat ang malaking bisig nito patungo kay Jag, halos iumang sa mga labi nito ang baso ng gin.

"Ako na ba?" sagot ni Jag, nakangisi na parang may tama.

Seryoso at matama ang titig ni DJ sa kanya, waring may sinasabi sa kanya na hindi na kailngang sabihin. Parang tanga lang na iniabot ni Jag ang baso ng gin, nakatingin din sa tanggero, kahit hindi batid nito ang hiwatig ng tingin nito.

Parang nananalangin na tinungga ni Jag ang laman ng baso. Bawat lagok nito'y gumuguhit sa kanyang lalamunan. Matamang nakatitig si DJ sa kanya. Pagkahiwalay ng mga labi nito sa baso, maaaninag mo ang pait ng panlasa niyang nabakat sa mukha.

"Eto, chaser," matamang timing ni DJ pagkaabot ng baso, palitan sila. Humigop ng ilang lagok ng ice tea si Jag.

"Tangina," sabi ni Jag, "may tama na ata ako dude."

Nakatitig pa rin si DJ sa kanya na parang may hinihintay sa sasabihin niya.

"Ano ba halo nyan?" tanong ni Jag, "baka naman mamaya inaativan mo na ako?" Sabay tawa.

"Ikaw ang mayabang mag-aya ng inuman, kupal ka e."

Kinapa ni Jag ang yosi sa bulsa ng salawal niya. Nagawa niyang mahugot ang isang stick ng lights pero hindi mahanap ang lighter. Kapkap siya ng kapkap sa mga bulsa ng cargo shorts niya habang nakasalpak sa bibig ang yosi, pero hindi mahanap.



Nagulat siya sa pagsambulat ng apoy sa may dulo ang ilong niya. Nakaabot ang malaking kamao ni DJ, tangan ang sinding lighter, nakaunat ang maskuladong braso nito sa kanya, inaalay ang apoy para sa kanya.

Higit sa amoy ng likido ng lighter ay ang amoy-lalaking nanunuot sa bisig ni DJ ang nalanghap ni Jag. Hinawakan niya ng nanginginig na kamay ang kamao ni DJ at iginiya sa dulo ng kanyang sigarilyo. Humitit siya ng malalim, dahilan upang magningas ang dulo ng yosi niya mula sa apoy sa kamao ni DJ.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...